-- Advertisements --
image 279

Pinahiya ng koponang Boston Celtics ang kontra katunggali nitong Toronto Raptors sa kabuuang score na nagtapos sa 106-104.

Nakapagtala ang top performer ng Celtics na si Jaylen Brown ng 27 points, eight rebounds at six assist upang tulyang masungkit ang kanilang pagkapanalo.

Nasayang naman ang ibinuhos na diskarte ni Pascal Siakam na 29 points, nine rebounds at ten assist dahil nabigo ang kanilang koponan.

Samantala, inilampaso din ng Washington Wizards ang Orlando Magic nang lumamang ito ng 18 points sa kabuuang score na 113-95.

Nakapag-ambag ng 25 points, ten rebounds at six assist ang star player ng Wizards na si Kyle Kuzma upang patumbahin ang kanilang kontra katunggaling koponan.

Una na nga rito, tuloy tuloy pa din ang mga nagaganap na mga laban ng iba’t ibang koponan sa NBA at nakatakda itong matapos sa darating na ika-9 ng Abril ng kasalukuyang taon.