-- Advertisements --

DAVAO CITY – Agad na gumagawa ngayon ng hakbang ang lalawigan ng Boston, Davao Oriental para agad na mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa nasabing lugar.

Nabatid na nakapasok na sa lalawigan ang nasabing sakit na nakaapekto sa mga alagang baboy matapos na nagdulot rin ito problema sa Davao de Oro kung saan maraming hog raisers rin ang naapektohan.

Nabatid na nagpositibo sa inilabas na confirmatory test sa Regional Office 11 ang mga alagang baboy sa Purok Dahlia at Purok Santan sa Barangay Poblacion sa sakop ng Davao oriental.

Una na rin na nagpalabas ng executive order si Mayor Rowell F. Rosit para sa mga gagawing hakbang upang labanan ang ASF.

Tiniyak rin ng DA-11 na bibigyan nila ng ayuda ang mga hog raisers sa bawat baboy na isasailalim sa culling.