-- Advertisements --
Marathon Boston
Boston Marathon / FB image

Nagpasya ang organizer ng sikat na Boston Marathon na magkansela na lamang dahil sa epekto ng coronavirus pandemic.

Mula pa kasi noong 1897 ay ngayon lamang ang unang beses na kakanselahin ang pinakaprestisyosong marathon sa buong mundo.

Sa orihinal na petsa nito noong Abril 20 ay inilipat sa Setyembre ang marathon.

Dinadayo ito ng mahigit sa 30,000 katao na sumasali na nanggaling pa sa iba’t ibang panig ng mundo.

Mula sa decorated professionals, Olympians hanggang sa amateur runners ay sumasali rin sa nasabing marathon.

Sinabi ni Boston Athletics Association chief executive Tom Grilk na pangunahing inaaalala nila ang kaligtasan at kalusugan ng mga sasali.

Nagpasya rin ang mga organizers na gawin na lamang itong virtual race kapalit ng in-person race.

Makukuha pa rin ng mga runners ang kanilang medalya kapag tumakbo sila ng 42 kilometers mula September 7-14 kapag may maibigay silang patunay na tinapos ang karera sa loob ng anim na oras.

Maging si Boston Mayor Marty Walsh ay iknalungkot ang nasabing pagkansela ng marathon dahil kasalukuyan silang gumagawa ng hakbang para maka-recover sa kanilang mga ekonomiya.

Ang 42 kilometer race na magsisimula mula Hopkinton hanggang sa downtown Boston ay siyang una sa anim na World Marathon Majors na kakanselahin ngayong taon dahil sa coronavirus outbreak.

Hindi pa kasi nag-anunsiyo kung makakansela ang Tokyo at Chicago Marathon na gaganapin sa October at ang New York City Marathon ay sa Nobyembre.

Isasagawa naman ang 2021 Boston Marathon sa darating na Abril 19.