-- Advertisements --
Magpapatupad ng paghihigpit ang organizers ng Boston Marathon.
Ayon kay Boston Athletic Association President and CEO Tom Grilk na bawat partcipants ay hahanapan ng pruweba na sila ay nabakunahan na.
Babalik na kasi sa buwan ng Abril ang tinaguriang pinakamatagal na taunang marathon sa mundo matapos na ilipat ito ngayong taon sa Oktubre.
Wala kasing naganap na Boston Marathon noong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.
Noong Oktubre ay nagpakita ng vaccination card at negative COVID-19 test results ang mga sumali.
Ganun din ang ginawa sa mga lumahok sa New York City Marathon.
Gaganapin ang Boston Marathon sa Abril 18, 2022.