BOSTON – Naabutan na ng Boston Celtics ang defending champions na Cleveland Cavaliers sa top spot sa Eastern Conference, matapos na talunin nila ang Miami Heat, 112-108.
Ito na ang ika-apat na sunod na panalo ng Celtics.
Nalampasan na ng Boston (48-27) sa natipong panalo ang Cavs (47-26), pero mas marami silang talo sa sa grupo ni LeBron James.
Nanguna sa opensa ng Celtics si Isaiah Thomas na may 30 points kabilang na ang 20 puntos sa second half lamang para mapantayan ng team ang kabuuang panalo noong nakaraang NBA season.
Tumulong din naman si Jae Crowder sa kanyang season-high na 25 points at six rebounds para sa Celtics.
Sa panig naman ng Heat nagtala si Tyler Johnson ng 24 points habang si James Johnson ay may 20.
Samantalang si Hassan Whiteside ay nagtapos sa 19 points at 15 rebounds.
Hindi pa rin naglaro si Dion Waiters dahil sa injury.
Ayon sa Filipino-American Heat coach Erik Spoelstra, walang dapat ikahiya sa kanilang pagkatalo bunsod na nakipagsabayan din naman ang koponan.
Nagkataon lamang umano na nakagawa ng malalaking big plays ang karibal na team.
Ang next game ng Miami ay laban sa Pistons sa Miyerkules.