-- Advertisements --

Hindi naging hadlang sa Boston Celtics ang hindi paglalaro ni Jayson Tatum upang patumbahin ang Detroit Pistons, 130 – 120.

Kumamada ng double-digit scores ang anim na player ng Boston sa pangunguna nina Jaylen Brown at Kristaps Porzingis. 28 points ang ipinasok ni Brown kasama ang siyam na assists habang 26 points naman ang naibulsa ni Porzingis kasama ang siyam na rebounds.

Ang guard na si Derrick White ay nag-ambag din ng double-double – 14 pts, 11 assists sa panalo ng Boston.

Sa panig ng Pistons, halos magbulsa ng isang triple-double ang bagitong si Cade Cunningham at gumawa ng 27 points, 14 assists, at siyam na rebounds.

Dalawa rin sa kaniyang teammate ang nakapagbulsa ng mahigit 20 pts: 27 points ang kontribusyon ni Tobias Harris habang 23 points naman ang ambag ni Malik Beasley.

Bagaman defending champion ang kalaban na Celtics, nakipagsabayan pa rin ang Pistons sa opensa at naabot ang 51.2% overall shooting percentage. Mas mababa rito ang nagawa ng Boston na mayroon lamang 47.9%

Sa 3-point arc ay nahigitan pa ng Pistons ang defending champion: nagpasok kasi ang Detroit ng 20 3-pointers mula sa 39 attempts habang 21 ang nagawa ng Boston mula sa 53 attempts.

Sa kabila nito, lamang ang Boston sa depensa matapos itong umagaw ng 43 rebounds, habang 34 lamang ang naisagot ng Pistons.

Mas marami ring turnover ang nagawa ng Detroit sa kabuuan ng laro, na labis naming sinamantala ng 2024 NBA Champion.