CENTRAL MINDANAO – Dumalo si Bise-Gobernadora Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa pagbubukas ng Botika ng Bayan ng Antipas, Cotabato na ginanap sa Rural Health Unit-Health Center ng bayan.
Sa pangunguna ng Department of Health at ni Dr. Florame Espenorio, Municipal Health Officer ng bayan, pormal na binuksan sa publiko ang Botika ng Bayan na may layuning makapagbigay ng serbisyong medikal sa mga taga-Antipaseño lalong-lalo na sa mga diabetic, may highblood, senior citizens patients na may maintenance, at miyembro ng 4P’s na mga pasyente.
Labis ang tuwa at pasasalamat ni Mayor Egidio “Ekis” Cadungon sa bagong proyektong ito at sa pagdalo ng bise-gobernadora sa isinagawang ribbon cutting at blessing ceremony na aniya’y malaking tulong para sa mga mamamayan ng Antipas.