Naantala sa ikatlong pagkakataon ang pagboto ng UN Security Council sa isang resolusyon na nananawagan ng ceasefire sa Gaza.
Ito ay dahil sinabi ni US Pres. Joe Biden na hindi pa rin nareresolba ang suporta ng US.
Aniya, ang Estados Unidos ay nagsusumikap pa rin kung susuportahan ang isang resolusyon ng United Nations Security Council na humihiling ng tigil-putukan sa Gaza upang payagan na makapasok ang mga humanitarian aid.
Samantala, ang political chief ng Hamas ay nasa Egypt para sa pag-uusap tungkol sa salungatan sa Israel-Gaza.
Ang pagbisita ng opisyal ay matapos na iminungkahi ng Israel ang ceasefire kapalit ng pagpapalaya sa humigit-kumulang 40 hostages.
Gayunpaman sinabi ng isang opisyal ng Israel na hindi pa nila ito napagkakasunduan.
Kaugnay nito ay sinabi pa ng Israel na malapit na nitong talunin ang Hamas sa mga huling kuta nito sa northern Gaza. (Reports from Bombo Allaiza Eclarinal)