-- Advertisements --

Sa kabila ng mga pangamba hinggil sa eleksyon ng House Speaker, naging maayos ang proseso ng halalan para sa matataas na posisyon ng Kamara.

Kabuuang 297 na kongresista ang tumugon sa rollcall na agad sinundan ng pagbubukas ng nominasyon sa pangunguna ni Batangas Rep. Raneo Abu na itinalagang Acting Majority Floor Leader.

Naunang sumalang sa nominasyon si Davao City Rep. Paolo Duterte, na sinundan nila Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at Leyte Rep. Martin Romualdez.

Kapwa nila inendorso si Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano.

Nagsalita rin sina Iloilo Rep. Janet Garin at AKO-Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin na ni-nominate naman si Manila City Rep. Bienvenido Abante Jr.

Kung maaalala, naging mainit ang usapin ng House Speakership matapos umugong ang balita na magkakaroon ng coup d’etat sa posisyon.