-- Advertisements --
ILOILO CITY – Inaabangan na ang food festival kasabay ng Dinagyang 2023 sa Iloilo City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay J. Scott Saria, founder ng Kaon Ta Iloilo at in-charge sa Food Festival Committee, sinabi nito na magsisimula ang food festival sa Enero 19.
Ayon kay Saria, magtatampok ng iba’t-ibang tema ng pagkain sa food festival.
Kabuuang 250 na mga kioks naman ang lalahok sa food festival na makikita sa Aldeguer, Arsenal, Delgado, Solis, Valeria at Yulo sa Iloilo City Proper.
Mahigpit rin anya na ipagbabawal ang pagbebenta ng bottled drinks upang maiwasan na magamit ito sakaling malasing ang mga iinom.