-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Philippine Olympic Committee na ang boksingerong si Eumir Marcial ang papalit kay pole vaulter Ej Obiena, ang isa sa magiging Philippines’ flag bearers para sa opening ceremony ng Tokyo Olympics sa July 23.

Sa pahayag ni Philippine Olympic Committee President Bambol Tolentino sinabi nito na magiging mas convenient para kay Marcial ang maging flag bearer dahil makakarating ito sa Japan nitong weekend.

Pinalitan naman si Obiena dahil sa bagong protocols na dapat ang mga flag bearers ay nasa Tokyo na ng 48 hours bago ang sporting event na magsisimula sa July 23, 2021.

Ang flight naman ni Obiena ay naka-schedule na makakarating sa Japan ng kaparehong araw.

Si Marcial na ang magdadala ng Philippines flag sa opening ng Olympic’s ceremony at kasama nito si Judoka Kiyomi Watanabe.

Sila ay kabilang sa country’s 19-strong contingent para sa Tokyo Olympics na matatapos sa August 8, 2021.