-- Advertisements --

Kumbensido ang beteranong boxing analyst na si Ed Tolentino na mahihirapan si WBA world welterweight champion Yordenis Ugas sa laban kontra eight-division champion Manny Pacquiao mamayang tanghali sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.

Kung sina Juan Manuel Marquez nga ay inabot ng ilang beses na harapan kay Pacquiao bago ito niya natalo si Ugas pa kaya aniya na mayroon lamang dalawang linggo para maghanda laban sa Pinoy boxer.

Sinabi pa ni Tolentino na hindi gaano bumibitaw ng suntok si Ugas kaya para makaporma ito kay Pacquiao ay kailangan niyang dagdagan ang dami ng pinapakawalang suntok.

Bukod dito, hindi rin aniya ginagamit ng husto ni Ugas ang angking tangkad nito kasi kapag nasa itaas na ng ring ay kuba ito.

Gayunman, excited pa rin si Tolentino na makita si Pacquiao sa itaas ng ring makalipas ang dalawang taon na layoff pero aminado rin na hindi ito kasing interesting sa inaasahang bakbkan sana kontra Errol Spence Jr.