-- Advertisements --

Nakasama sa initial sports programme ng 2028 Games sa Los Angeles ang skateboarding, sports climbing at surfing.

Ang nasabing mga sports na unang ipinakilala sa 2020 Tokyo Olympics ay kabilang sa 28 sports na lalaruin sa 2028 Los Angeles Olympics.

Hindi naman kabilang sa 2028 LA Olympics ang weightlifting, boxing at modern pentathlon.

Paliwanag ni International Olympic Committee (IOC) president Thomas Bach na may mga criteria na dapat tugunan ng nasabing mga sports sa 2023 Olympics para sila ay makasama.

Magugunitang nasangkot ang weightlifting at boxing sa kontrobersiya gaya ng kurapsyon, pinansiyal at pamumumuno kaya pansamantala muna nila itong hindi isinama.