-- Advertisements --

Pinag-iisipan ngayon ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) kung lalahok pa ba ang mga atletang Pinoy sa gaganaping Asian Elite Men and Women Boxing Championships na gaganapin sa Dubai sa darating na May 21 hanggang June 1, 2021.

Ang naturang boxing event ay sa India sana gagawin pero biglang inilipat dahil sa matinding surge ng COVID-19 cases.

Ayon kay ABAP secretary-general Ed Picson, inatasan na siya ni ABAP president Ricky Vargas kung kakayanin ba ang posibilidad na lumahok ang elite boxing team ng Pilipinas na nasa Thailand ngayon na naghahanda rin para sa tokyo Olympics.

Kabilang sa pag-aaralan ng Team Pilipinas ay ang gagawing adjustments, sa logistics, pinansiyal na aspeto at kaligtasan ng mga atleta sa deadly virus.