-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Pabor si Filipino Coach Dodong Donaire nga manalo sa laban bukas si Jonas Sultan laban kay Paul Butler sa Liverpool, England.

Ito kung gagamtin muli ang ginamit na taktika sa laban kay Carlos Caraballo ng Puerto Rico. Kanina sa ginawang weigh in halos magkapareha ang timbang nina Sultan at Butler.

Matapos tumimbang si Butler gg 117.8 pounds habang si Sultan naman 117.6 pounds.

Dagdag ni coach Donaire na pinaghandaan ng maigi ni Sultan ang nasabing laban matapos pinayuhan na paghandaan baka pumaltos ang laban nina Butler at Pinoy boxer John Riel Casemero kayat kuha ang catch weight na 118 pounds.

Ayon ni Donaire mananalo by knockout si Sultan kahit hawak ang 18 wins 5 Losses 11 KO’s habang mas bata kung ikumpara kay Butler na may 33 wins 2 loss, 15KO’s.

Maliban nito nakilala nito si Sultan nuong sa Cebu pa nagtraining ang anak na si Filipino Flash habang si Sultan nagtraining sa Aldeguer stable .

Umaasa si Donaire na magbunga ang ginagawang paghahanda ni Sultan para harapin si Butler para sa interim title.

Una ng sinabi na kung pagbigyan ng World Boxing council na bakantihin ang belt na hawak Casemero ang pupunta sa sino mang mananalo kay Sultan at Butler.