-- Advertisements --

Kanselado na ang nakatakadang comeback fight ng boxing great na si Oscar De la Hoya matapos na ito ay magpositibo sa COVID-19.

Nag-post pa ng video ang 48-anyos na boxer sa kaniyang Twitter habang ito ay nakaratay sa pagamutan.

Sinabi nito na kahit na fully-vaccinated na siya ay dinapuan na pa rin siya ng COVID-19.

Ilang buwan din aniya itong naghanda para sa laban subalit hindi maiwasan na madapuan siya ng virus.

Nakatakdang labanan sana nito si Brazilian mixed martial arts champion Vitor Belfort sa susunod na linggo na gaganapin sa Staples Center sa Los Angeles.