Buhos pa rin ang mga prediksiyon ng mga eksperto at mga boxing legends kung sino ang mananalo sa weltertweight title showdown nina Manny Pacquiao at Keith Thurman na magaganap ngayong Linggo sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.
Ang mga retired at boxing legends na sina Erik Morales at Antonio Barrera ay kapwa kinampihan si Pacman na magwawagi dahil sa karanasan nito.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo sa mga kampeon na sina Errol Spence at Shawn Porter kapwa nila hangad na manalo ang eight division world champion.
Ang mga ito kasi ay magtutuos sa Setyembre at sinuman ang manalo ay posibleng itapat kay Pacman.
Pero ang dating kampeon na si Timothy Bradley Jr. na tinalo noon ni Pacquiao ay itinuro naman si Thurman na mananalo sa pamamagitan ng controversial split decision.
“I’m picking Thurman to win this fight because he has a lot of advantages. He’s younger, bigger and stronger. He doesn’t have the speed advantage, but you beat speed with timing,” ani Bradley sa ESPN. “Thurman has great timing with explosive counterpunching ability that will keep Pacquiao honest and in the outside 60% of the time. The other 40% Thurman will use his young legs and ring IQ to box Pacquiao’s ears off!”
Gayundin ang posisyon ng dati niyang trainer at kilalang boxing analyst na si Teddy Atlas na nagsabing “Thurman by unanimous decision.”
Ang beteranong sportswriter ng ESPN na si Nigel Collins ay ibinoto rin si Thurman sa pamamagitan daw ng split decision.
Habang ang boxing expert na si Dan Rafael ay nakikita naman niya na mananaig si Pacquiao by decision kung saan kanyang pinagbasehan ang magandang performance sa mga laban kontra kay Broner at Matthysse.
“I’ve gone back and forth on this one since it was made. I can see good reasons to go with either guy, but something tells me Pacquiao isn’t done just yet. He has looked good in recent fights, still seems enthusiastic and excited to fight and still has speed and power. I think somehow, even at 40 against an unbeaten man 10 years younger than him, he will find a way to get the job done in a tough fight,” giit pa ni Rafael sa espn.com.
Sinusugan din ito ng kilalang Pinoy boxing analyst na si Atty. Ed Tolentino, na nagsabing wala pa ring tatalo sa fighting senator dahil sa mga de kalidad na mga boksingero na nakalaban na nito.
Si Eric Raskin ng Showtime Boxing ay pumusta na iuuwi ni Thurman ang panalo sa puntos.
Para naman sa retired veteran boxing referee na si Joe Cortez, inaasahan niya ang technical knockout na gagawin ni Pacquiao laban sa 30-anyos na super welterweight champion.
Hati rin ang pananaw ni Charles Moynihan, ESPN bureau producer, sa pagsasabing “Thurman by unanimous decision.”
Kung si coach Freddie Roach naman ang tatanungin mas magaling pa nga raw si Adrien Broner kay Thurman na madaling tinalo ng People’s champ noong buwan ng Enero.
Una nang nagbigay din ng kanilang opinyon ang mga boxing greats na sina Roberto Duran, Roy Jones Jr., Sugar Shane Mosley at heavyweight champion Andy Ruiz kung saan pawang sumang-ayon sa Pinoy legend.
Ang American welterweight champion na si Errol Spence Jr. ay para kay Thurman, gayundin sina Lennox Lewis at Sugar Ray Leonard.
Nagbigay din ng kanyang pag-analisa ang world champion na si Nonito “The Filipino Flash” Donaire sa pagsasabing mahihirapan ang eight-division champion sa diskarte ni Thurman.
Pero pag-umakyat daw sa ring ang isang Manny Pacquiao na eksplosibo at dala pa rin ang lakas at bilis, may naniniwala siyang aangat pa rin ang kababayang pambansang kamao sa huli.