Naisama na ang boxing sa programa ng 2028 Los Angeles Olympics.
Ito ay matapos na makakuha ng unanimous voting mula sa International Olympic Committee (IOC).
Noong nakaraang buwan kasi ay nabigyan ng provisional na pagkilala ang World Boxing para maisingit ito sa Olympics sa Los Angeles.
Nagpasalamat naman si IOC President Thomas Bach sa muling pagbabalik ng boxing.
Noong 2024 Paris Olympics kasi ay pinatatakbo ng IOC ang boxing matapos na tanggalin ito sa International Boxing Association noong 2023 matapos ang kontrobersiya gaya ng hindi tamang pag-implementa ng pagbabago at ang pamumuno sa pinansiyal.
Hinikayat na lamang ng IOC ang national boxing federation na gumawa ng bagong global boxing body na papalit sa International Boxing Association.