-- Advertisements --
Inanunsiyo ni dating four-time heavyweight boxing champion Evander Holyfield na siya ay magbabalik para isang boxing event.
Sinabi ng 57-anyos na boksingero na ito ang paraan niya para matulungan ang mga first responders at mga bata na naapektuhan ng coronavirus pandemic.
Ang anunsiyo nito ay kasunod ng pagkalat ng video ni dating boxing champion Mike Tyson na nagsasanay pa rin sa charity event.
Maraming mga boxing fans naman ang naghahangad na magharap ang dalawa para maulit ang makasaysayang laban nila 20 taon na ang nakakaraan.
Huling lumaban si Holyfield ay noong 2011 ng talunin niya si Danish boxer Brian Nielsen sa loob ng 10th round kung saan nagtapos ang record nito na 44 panalo, 10 talo at dalawang draw.