-- Advertisements --
Pernell Whitaker
Pernell Withaker

Pumanaw na ang boxing legend na si Pernell Whitaker matapos na ito ay masagasaan ng kotse sa Viriginia Beach.

Halos hindi na makilala ng mga rumespondeng kapulisan ang bangkay ng 55-anyos boksingero dahil sa labis na pagkabangga.

Sinubukan pa itong mabigyan ng pangunang lunas subalit nabigo ang mga ito.

May matinding record ang Virginia native boxer na nanalo ng lightweight, light welterweight, welterweight at light middleweight.

Ilan sa mga nakalaban nito ay sina Oscar De La Hoya at Julio Cesar Chavez.

Nagsimula ang kaniyang career noong 1984 hanggang 2001 na may record na 40-4-1 record kabilang na ang 17 knockouts.

Nagwagi ito ng gold medal sa 1984 Olympics sa Los Angeles.
Tinanghal bilang Boxing Hall of Fame noong 2006 at tinaguriang greatest fighters of all time.

Mula 1993-1997 ay ikinonsidera siyang #1 pound-for-pound fighter in the world at Fighter of the Year noong 1989 ng Ring Magazine.

https://www.instagram.com/p/Bz8IW7aFKGY/?utm_source=ig_web_copy_link

Nanguna naman si US boxing champion Floyd Mayweather sa nagbigay ng pakikiramay kay Pernel sa pamamagitan ng pagpost ng larawan nilang dalawa.