-- Advertisements --

Naniniwala ang International Olympic Committee (IOC) na tuluyan ng makakasama ang boxing sa 2028 Los Angeles Olympics.

Sinabi ni IOC chief Thomas Bach, na nakabuo na ng bagong governing body ang boxing.

Inaprubahan kasi ng Executive Board ng IOC ang boxing sa 2028 program matapos na kinilala ang World Boxing na siyang mangangasiwa ng nasabing sports sa Olympics.

Para tuluyang mapasama ang sports ay kailangan muna ito ng tuluyang aprubahan ng 100 miyembro ng IOC sa mga susunod na araw.

Magugunitang ang IOC na ang nag-organisa ng boxing tournaments noong Tokyo Olympics 2021 at Paris Olympics noong nakaraang taon matapos ang pagkakawatak ng International Boxing Association ng Russia dahil sa usapin ng pera, pamumuno at hindi pagkakaisa.