-- Advertisements --

Kinilala na ng International Olympic Committee ang World Boxing bilang pansamantalang mamamahala sa mga susunod na international boxing event.

Una nang pinutol ng IOC ang connection nito sa International Boxing Association (IBA) dahil sa ilang financial at ethical issues, kasama na ang ilang problema sa pamamahala.

Ang IBA ang dating namamahala sa amateur boxing sa loob ng mahabang panahon.

Kasabay nito, sinabi ng IOC na nagawa ng World Boxing na ipakita ang kagustuhan nitong pagbutihin ang sistema ng pamamahala at sumunod sa ‘appropriate standards’.

Ang World Boxing ay itinatag lamang noong 2023 at sa kasalukuyan ay mayroon itong 78 miyembro tulad ng United States, United Kingdom, France, Germany, Australia, Brazil, atbpa.

Dahil dito, naniniwala ang mga international boxing analyst na magiging daan ito ng tuluyang pagkakapasok ng larong boxing sa susunod na Olympics.

Sa kasalukuyan kasi ay hindi kasali ang naturang sports sa mga prgrama para sa 2028 Los Angeles Olympics.

Una nang sinabi ni IOC president Thomas Bach na kailangan ng bagong ‘mapagkakatiwalaang’ international parter upang makasali ito sa susunod na Olympic Games.