Inamin na rin sa unang pagkakataon ng boxing superstar na si Canelo Alvarez 55-1-2, 37 KOs) na nagkaroon ito ng COVID-19 bago ang naging laban niya kay Avni Yildirim (21-3, 12 KOs) noong Pebrero 27, 2021.
Ang naturang laban ay tinawag ng ilang observers na mismatch dahil madaling naidispatsa ni Canelo si Avni.
Ang harapan ay kaugnay sa mandatory defense ni Alvarez ng kanyang WBC super middleweight title.
Ayon kay Alvarez nagkaroon siya ng COVID-19 matapos niyang talunin si Callum Smith noong December 19.
Dahil dito maiksing panahon lamang ang naiukol niya sa training at paghahanda laban kay Yildirim.
Kuwento ni Alvarez, inabot ng 15 days ang kanyang isolation kung saan ang kanyang misis ay nahawa rin.
Hindi raw niya ito sinabi kanino man busnod ng wala naman siyang nararamdaman.
Liban lamang daw sa symtoms na wala siyang panlasa at apektado rin ang kanyang pang-amoy.
Kung maalala naitala ni Alvarez, 30, ang technical knockout win sa third sa kanilang bakbakan na naganap sa Hard Rock Stadium sa Miami Gardens, Florida.