-- Advertisements --

BOXING TRAINER NONITO DONAIRE SR, MALUNGKOT PARA KAY BOXER KENNETH EGANO

GENERAL SANTOS CITY – Nagdadalamhati ang mga boxing enthusiasts, promoter, mga kaibigan at mga kasamang boxers sa Gensan kasunod ng pagpanaw ng boksingerong si Kenneth Egano.

Nabatid na ilang araw din itong nanatili sa pagamutan kung saan comatose dahil nagtamo ng head injury mula sa eight-round na laban kay Jason Fucalarin nito sa Imus, Cavite nitong Sabado.

Sa panayam ng Bombo Radyo Gensan, nagpaabot ng pakikiramay si Nonito Donaire Sr., isang boxing trainer sa pamilya ni Egano.

Nabanggit nitong ang 22-anyos na boksingero na si Egano ay naging sparringmate noon ng boxer na kanyang sinanay kung saan nakitaan nito ng kagalingan sa boxing.

Habang, malungkot naman si Alejandro Amoy, ang promoter ni Egano sa nangyari sa alaga nito.

Mayroong record si Egano na pitong panalo, isang talo kung saan mayroon itong tatlong knockouts.