Ginulat ngayon ni US boxer Teofimo Lopez ang mundo ng boxing matapos na ma-upset ang tinaguriang nasa Top 3 pound-for-pound boxer na si Vasiliy Lomachenko.
Dahil dito nasungkit ni Lopez via unanimous decision ang tatlong korona ni Lomachenko na WBC, WBA at WBO titles.
Ang Brooklyn native na si Lopez ang kampeon naman sa IBF lightweight division.
Sa unang bahagi pa lamang ng 12-round unification fight ay namayani na si Lopez sa bakbakan na ginanap sa MGM Grand Conference Center sa Las Vegas.
Pagsapit ng second half bumawi si Lomachenko upang ipilit ang comeback.
Nagpakawala ng ilang solidong suntok ang Ukrainian star sa huling six rounds pero halatang kinaya ni Lopez ang lakas ng karibal.
Pagsapit ng 12th round dito na nagmistulang action-packed ang harapan ng dalawa.
Sa huling mga segundo pumasok ang mga big punches ni Lopez.
Kumbinsido naman ang tatlong mga judges upang ibigay ang abanse sa scoring para kay Lopez.
Big margins ang ibinigay nina judge Steve Weisfeld, 117-111; Tim Cheatam, 116-122; Julie Lederman, 119-109, pabor lahat kay Lopez.
Si Lederman tanging ang 11th round ang ibinigay niya kay Lomachenko.
Ang panalo ni Lopez, 23, ay hudyat din upang putulin niya ang 13 fight winning streak ng 32-anyos na dating Olympic gold medalist.
Bago pa man ang laban, paborito na si Lomachenko batay sa 4-1 bentahe ng mga pagtaya ng mga oddsmakers na muling mananalo ito.
Sa ngayon gumanda pa lalo ang professional fight record ni Lopez na undefeated pa rin, 16-0 at 12 dito ay via KOs.
Si Lomachenko naman ay muling nadungisan ang kanyang kartada na 14-2, with 10 KOs.
Huling tumikim nang pagkatalo si Lomachenko ay noon pang taong 2014 sa kamay ni Orlando Salido sa pamamagitan ng spilt decision.