-- Advertisements --

Nagbigay ng payo ang TV host na si Boy Abunda sa magkakapatid na Barretto matapos mag-trending ang mga ito buong linggo dahil sa lumalalang away sa kanilang pamilya.

“Naniniwala ako bilang pamilya lahat ng bagyo, dumadaan. You have to be very prudent, you have to be very cautious dahil pag may nabitawan ka nang salita mahirap bawiin. Take a few steps backward as a family,” saad ni Abunda

Naging hot topic ang Barretto sisters dahil sa bangayan ng tatlo sa harap ni Pangulong Duterte nang bisitahin nito ang labi ng kanilang pumanaw na ama.

Ayon pa kay Tito Boy, mas makabubuti raw kung tatahimik muna ang magkakapatid at hayaan na maghilom ang sugat sa kanilang mga puso.

Dapat din daw na magdadahan-dahan ang mga ito sa kanilang mga binibitawang salita lalo pa’t pinagpi-pyestahan sila ng publiko.

“Whatever is left unsaid should be left unsaid. Wait for some time, buy a little time. Hindi naman nagpapabaya ang Diyos. May mga bagay na hindi naayos pero without you knowing it, naaayos.”

Sa kabila nang matinding away na ito, buo pa rin ang paniniwala ng TV host na kahit papaano ay natitira pa ring kaunting pagmamahal sa puso ng magkakapatid.

Si Abunda ay dating manager ni Gretchen.