-- Advertisements --
Inanunsiyo ng 90’s boy band na A1 ang pagsasagawa nila ng konsiyerto sa Bacolod at Cagayan de Oro sa susunod na taon.
Ayon sa promoters ng grupo na magtatanghal ang grupo sa SMX Convention Center sa Bacolod City sa darating na Pebrero 12, 2025.
Habang sa darating naman na Pebrero 13,2025 ay magtatanghal sila sa The Atrium, Limketkai Center sa Cagayan de Oro City.
Ang nasabing mga show ay dagdag mula sa dating show nila sa Cebu City sa Pebrero 14, 2025 at sa Quezon City sa Pebrero 15, 2025.
Ang British-Norwegian boy band ay binubuo nina Paul Marazzi, Christian Ingebrigtsen, Mark Read, at Ben Adams na nagpasikat ng mga kantang “Like A Rose”, “Caught in the Middle” at “Heaven By Your Side”.