“Single but not ready to mingle” pa rin si Heaven Peralejo.
Pahayag ito ng 22-year-old actress sa gitna ng usap-usapan na mayroon itong romantic relationship sa singer-video blogger na si Kimpoy Feliciano.
Sa kabila ito ng dalawang larawan nila sa beach kung saan magka-holding hands pa sila sa isang picture.
Tumindi pa ang duda ng ilang netizens dahil sa sagot ni Heaven na “Luv u forever beh!!!” sa birthday greeting ng 28-year-old singer kung saan nagpasalamat ito sa pagdating ng young actress sa kanyang buhay.
Ayon sa pamangkin ng magkapatid na dati ring celebrity na sina Rica at Paula Peralejo, matalik na magkaibigan lamang sila ni Kimpoy at focus pa rin niya ang kanyang sarili.
“Masaya lang din na nagkaroon din talaga ako ng kaibigan sa showbiz. ‘Yun yung parang thankful kami sa isa’t isa na finally nakahanap ka rin ng kaibigan talaga na lumalabas kahit hindi magkasama sa work. Masanay na kayong may kaibigan akong lalaki,” saad nito sa vlog ni Darla Sauler.
Nabatid na kaka-break lamang ni Heaven kay Kiko Estrada.
Kabilang pa sa naging ex-boyfriend nito ay si Jimuel Pacquiao.