-- Advertisements --

Nasasabik na ang mga fans ng 90’s boyband group na N’Sync dahil sa pagkakaroon nila umano ng muling reunion.

Magaganap ang muling pagsasama ng grupo sa MTV Video Music Awards.

Nakita kasing magkakasama sa New York ang mga miyembro ng grupo na kinabibilangan nina Justin Timberlake, Joey Fatone at Lance Bass.

Habang ang isang miyembro nila na si JC Chasez ay nakitang nakasakay sa eroplano na patungo na rin sa New York.

Ang hindi pa nakikita sa publiko ay si Chris Kirkpatrick.

Huling nagsama ang grupo ay noong 2013 Video Music Awards.

Ayon naman sa kampo ng grupo na hindi sila magtatanghal at sa halip ay magiging presenter lamang ang mga ito na magbibigay ng award sa mga mananalo.

Ilan sa mga pinasikat ng grupo ay ang mga kantang “This I Promise You”, “It’s Gonna Be Me”, “Bye Bye Bye” at maraming iba pa.