-- Advertisements --

ILOILO CITY – Kulong ang isang lalaki na gumahasa sa kanyang menor de edad na kasintahan sa Igbaras, Iloilo.

Ang arestado ay si alyas JP, 27, residente ng isang barangay sa nasabing bayan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Marvin Fuentes, deputy chief of Police ng Igbaras Municipal Police Station, sinabi nito na sinampahan ng kasong 16 counts of rape ang suspek ng kanyang sariling girlfriend.

Ang malala pa anya dahil pinagahasa rin ng suspek ng biktima sa kanyang kaibigan kapalit ng P100.00.

Tinakot umano ng suspek ang kanyang kasintahan na kung hindi siya makikipagtalik sa kanya at sa kaibigan nito ay gagahasain rin ang kanyang dalawang kapatid na babae.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng Igbaras Municipal Police Station ang suspek.