-- Advertisements --

ILOILO CITY – Hindi lang ang pinay weightlifter na si Hidilyn Diaz ang makakatanggap ng cash incentives matapos makuha ang gold medal sa Tokyo 2020 olympics.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Zamboanga City Councilor Elbert Bong Atilano, sinabi nito na sa P33.5 million pesos na matatanggap ni Diaz, P2.5 million ang mula sa Zamboanga City Government.

Ayon kay Atilano, maliban kay Diaz, makakatanggap rin ng P1, 250,000 ang boyfriend nito na siya ring coach nito na si Julius Irvin Naranjo.

Si Naranjo na isa ring seasoned weightlifter ay matagal nang nagsilbi bilang strength and conditioning coach ni Diaz mula pa noong nag-eensayo pa lang ito sa Malaysia.