-- Advertisements --

Ilang oras bago ang kanilang farewell tour show sa Pasay City, dumating na ang Irish band na Boyzone.

Pasado ala-1:00 kaninang hapon nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport ang nasabing 1990s pop band mula sa Taiwan.

“Happy to be back here in the Philippines. Thank you,” saad ng miyembrong si Brian McFadden na dating kabilang sa boy band din na Westlife.

Agosto noong nakaraang taon nang huling mag-concert sa bansa ang Boyzone na napaulat pa bilang huling beses dahil tuluyan na raw silang magdi-disband kasabay ng kanilang 25th anniversary.

Kabilang sa hit songs ng grupo ay ang “Words,” “Love Me for a Reason,” “Picture of You,” at iba pa.