-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Pinalakas pa ang ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Datu Montawal Maguindanao sa mga kabataan at mga myembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT).

Ayon kay Datu Montawal Mayor Datu Ohto Montawal na tutulong ang mga kabataan at BPAT bilang mga mata at taenga kontra terorismo, illegal drugs,kreminalidad at iba pa.

Sa labing isang Barangay sa bayan ng Datu Montawal ay may mga representante ng mga kabataan at BPAT bilang lingkod bayan advocacy support groups and force multipliers.

Ilang araw na sinamay ng militar at pulisya ang mga napiling kabataan at BPAT sa kanya-kanya nilang tungkulin sa nasasakupan nilang Barangay.

Dagdag ng alkalde na pwedeng manghuli ang mga myembro ng BPAT kung Nakita nila mismo ang ginawang krimen, gumagamit ng illegal na droga o nagbebenta.

Ang mga kabataan at BPAT ay tutulong rin kung sakaling may kalamidad kagaya ng baha at mamimigay ng relief goods.

Nilinaw ni Mayor Montawal na prayoridad na trabaho ng mga kabataan at BPAT ay magreport,tumawag at magtext sa mga hotline ng pulisya, LGU ,BLGU at militar sa mga hindi kanais-nais na nangyayari sa kanilang Barangay.

Habang matiwasay at mapayapa ang sitwasyon sa bayan ng Datu Montawal tutulong muna ang BPAT at mga kabataan sa mahigpit na pagpapatupad ng minimum health protocols kontra Covid 19.