-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nahuli ang isang myembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) sa buy bust operation ng mga otoridad sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang suspek na si Kamar Darayo Otiyak alyas “Kamar”, 36 anyos, may asawa,magsasaka at nakatira sa Brgy Patot Pigcawayan North Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya sa Pigcawayan na nagsagawa sila ng buybust operation sa Brgy Poblacion at naaresto ang suspek nang magbinta ito ng shabu sa kanilang asset.

Narekober sa posisyon ng BPAT ang tatlong pakete ng shabu at isang motorsiklo.

Sa ngayon nakapiit na sa custodial facility ng Pigcawayan PNP ang suspek na at nakatakdang sampahan ng kaso sa paglabag sa Republic Act 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.