-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang myembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Bernie Rosales Pajenado,43 anyos,may asawa at residente ng Barangay Malangag Antipas North Cotabato.

Ayon kay Antipas Chief of Police Major John Calinga,na habang sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo patungo sana sa kanyang trabaho nang abangan ito ng hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang 12 guage shotgun.

Agad namang tumakas ang suspek na sumakay ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasama sa gilid ng kalsada.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng pitong tama ng bala sa kanyang katawan.

Marami ang naniniwala na posibling may kinalaman sa trabaho ng biktima ang motibo sa pamamaril patay ng biktima na patuloy na iniimbestigahan ng Antipas PNP.