CENTRAL MINDANAO – Patay on the spot ang isang miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) sa pananambang sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Verno Dalimba, BPAT ng Brgy Dagupan, Kabacan, North Cotabato.
Ayon sa ulat ng pulisya na lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo patungong Matalam, Cotabato ngunit pagsapit nito sa Brgy Katidtuan sa bayan ng Kabacan ay bigla itong pinagbabaril ng dalawang hindi kilalang suspek gamit ang kalibre .45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay din ng motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa Kabacan.
Agad binawian ng buhay ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang likod at ulo.
Personal na alitan o rido ang natatanaw ng Kabacan PNP sa pamamaril patay kay Dalimba na patuloy nilang iniimbestigahan.