-- Advertisements --

Matagumpay na nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Plant Industry ang nasa 19 na container vans mula sa Manila South Harbor.

Hiniling ng BPI sa BOC na huwag ilabas ang naturang bilang ng mga container vans matapos na matuklasang mali ang deklarasyon ng mga kargamento.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry Director Gerald Glenn Panganiban, ideneklara ang kargamento na naglalaman ng 550 metric tons ng frozen fried taro sticks, taro sweet potato balls at maging iba pang uri ng frozen food products.

Nakapangalan ang nasabing shipment sa Straradava na dumating sa pantalan noong Enero 21.

Tiniyak naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na nananatiling committed ang kanilang ahensya sa pagpapatupad ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.

Layon nito na mabigyan ng proteksyon ang mga mamimili , mabantayan ang interes ng mga lokal na magsasaka.