-- Advertisements --

Malaki ang tiwala ng IT and Business Process Association of the Philippines (IBPAP) na mabilis ang paglago nito ngayong taon ng business process outsourcing (BPO) company sa bansa.

Sinabi ni IBPAP chairman Benedict Hernandez na base sa kanilang ginawang survey na mayroong 56 percent sa respondents ng 2021 industry growth survey na lalago pa ang BPO.

Inihalimbawa nito noong nakaraang taon na kahit kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay lumago ang employment at revenues ng IT-BPO industry.

Pinuri ni Hernandez ang katatagan ng katulad niyang nasa IT-BPO industry ganun din ang gobyerno dahil sa pinayagang patuloy ang operasyon nila.