-- Advertisements --

Nahaharap ngayon sa malaking hamon ang mga nasa sektor ng Business Process Outsourcing o (BPO) dahil sa paglaganap na ng Artificial Intelligence.

Ayon kay Mylene Cabalona ang namumuno ng BPO Industry Employees Network (BIEN) na kanilang tinutugunan ang nasabing hamon.

Sa ngayon ay hindi pa nila ito nakikitang malaking banta sa kanila subalit naghahanda na rin sila sakaling patuloy ang paglaganap nito.

Naniniwala din ito na may kaparaanan na ginagawa ang gobyerno ukol sa AI.

Magugunitang maraming kumpanya na rin ang gumagamit ng AI para makabawas sa ilang gawain ng ibang empleyado nila.