-- Advertisements --
Tiwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mas mabilis ang pag-akyat ng ipinapasok na dolyar sa bansa ng mga local call center industry ng bansa.
Inaasahan kasi na mayroong pagtaas ng 9% ngayon ang kita ng mga business process outsourcing (BPO).
Mas mataas ito sa naging projection ng BSP na 5% noong Setyembre.
Itinuturing ng BSP na ang dahilan nito ay dahil sa maraming mga bansa na kabilang ang Pilipinas ang nagbukas ng kanilang mga ekonomiya matapos ang malawakang pagpapabakuna laban sa COVIDI-19.