-- Advertisements --

Balik-aksyon na si NBA star na si Bradley Beal matapos itong hindi makapaglaro ng 5 games para sa Phoenix Suns dahil sa natamo nitong sprained ankle sa kanyang kanang paa.

Muli nang makapaglaro si Beal laban sa Charllote Hornets ngayong araw.

Huling nakapaglaro ang nba all star na si Beal noong December 15 laban sa New York Knicks.

Sa kabuuan ay nasa lima na laro lamang ang nasalihan niya ngayong season dahil sa mga natamong injuries.

Sa loob ng lima na laro ngayong season, may average si Beal na 14.7 puntos, 3.3 rebounds at 3.2 assists.

Inaasahan naman ng mga Suns fans na muling maglalaro ang kanilang Big 3 na sina Devin Booker Kevin Durant at Bradley Beal.