Mananatili pa rin sa Washington Wizards ang All-Star point guard na si Bradley Beal matapos pumirma ng two-year contract extension na nagkakahalaga ng $71.8 milyon.
Usap-usapan na may planong umalis sa Wizards si Beal kapag natapos ang kanyang kontrata sa 2020-2021 season dahil mas malaking offer ang kanyang maaring matanggap sa NBA market.
Nakapaloob sa kontrata ni Beal ang player option nito sa pangalawang taon ng kanyang bagong kontrata na nangangahulugang hindi siya makukuha ng ibang team bago ang 2023 season.
Noong July ay lumabas ang balita na nais bigyan ng Wizards si Beal ng three-year extension na nagkakahalagang $111 milyon ngunit pinili nito ang dalawang taon lamang.
Sa kasalukuyan ay nasa rebuilding process ang koponan ng Washington at siya ang pangunahing mukha nito dahil injured pa rin ang ka-tandem nitong all-star na si John Wall.
May average na 15.3 points, three assists at three rebounds si Beal noong nakaraang season ngunit bigo itong dalhin ang koponan sa playoffs.