-- Advertisements --

Ibinahagi ng singer na si Bradley Cooper na ito ay muntikan ng mabiktima ng holdaper.

Nangyari umano ang insidente noong 2019 habang ito ay nasa New York City subway.

Isa umanong lalaki ang lumapit sa kaniya at tinutukan siya ng kutsilyo pasado alas-onse ng umaga.

Naka-headphone aniya ito sa mga oras na iyon kaya hindi niya naririnig ang kapaligiran hanggang lapitan ito at tinutukan.

Mabilis naman itong nakatakas palayo at ng ilabas niya ang cellphone para kuhanan ang suspek ay tumakas na rin ang suspek sa hindi pa malamang lugar.

Dagdag pa nito na naging kumportable siya sa lungsod kaya ito aniya ay naging alerto na ngayon.