-- Advertisements --

Binabalak umano ni free-agent guard Avery Bradley na lumagda ng two-year, $9.7-million deal sa Los Angeles Lakers.

Batay sa ulat, inaasahang lilinisin ni Bradley ang kanyang waivers matapos na tanggihan ito ng Memphis nitong weekend.

Ayon sa kanyang agent na si Bill Duffy, kasama rin daw sa kasunduan ang player option sa ikalawang taon nito sa team.

Sinasabing gagamitin ng Lakers ang kanilang room exception upang makuha ang serbisyo ng 6-foot-2 guard.

Naging bahagi ng starting line-up si Bradley sa 49 games para sa LA Clippers bago ito mai-trade sa Grizzlies para kay forward JaMychal Green at guard/forward Garrett Temple.