Kumbinsido ang retiradong American boxer na si Timothy Bradley na ang kanyang kababayang si Keith Thurman ang magtatagumpay sa nakatakda nitong laban kontra kay Sen. Manny Pacquiao.
Ayon kay Bradley, magiging malaking factor umano ang edad ni Pacquiao na bagama’t mabilis at taglay pa rin ang punching power nito, mas mananaig pa rin daw ang mas batang si Thurman.
Magiging sakit din aniya sa ulo ng Pinoy ring superstar ang physical skills ni Thurman, gaya ng magandang hand speed, at fighting style nito.
“I think he edges Pacquiao out. He [Thurman] has size, and he has strength. He has good hand speed, and a good fighting style. He’s a great counter puncher, and he has good punching power. He can fight off his back foot, and come forward. He has everything it takes to beat a guy like Manny Pacquiao, who is 41-years-old. Could I be wrong? Yeah, this is boxing. It’s alright if I’m wrong. Thurman is my pick,” wika ni Bradley.
Pinag-iingat din ng dating two-time world champion si Thurman sa kaliwang kamao ni Pacquiao na mapanganib at hindi umano biro.
“Don’t get hit with the left hand. The tenacity and heart of Manny Pacquiao, it’s no joke. You might think you got him, and he rises. He elevates his game, and takes it to another level. So you’ve got to be ready for that, because he’s never going to stop trying. He’s going to be there all night until you knock him out,” ani Bradley.
Gayunman, hindi umano sigurado si Bradley kung magagawa ni Thurman na ma-knockout si Pacquiao sa kabila ng pagiging magaling umanong counter puncher ng WBA “super” welterweight title-holder.
Matatandaang dalawang beses na nagwagi si Pacquiao sa tatlong pagkakataon na nagharap sila ni Bradley sa ibabaw ng ring.
Una rito, sinabi ng dating karibal at nakatunggali rin ni Pacquiao na si Erik Morales na magagawa raw ng Fighting Senator na mapatumba sa ika-10 round si Thurman sa kanilang pagtutuos sa Hulyo 21.