-- Advertisements --

Magtatawid-bakod na umano si NBA guard Avery Bradley sa Miami Heat matapos ang pananatili sa Los Angeles Lakers.

Sinasabing tatagal ng dalawang taon ang kontrata ni Bradley sa Heat, at papalo ng $11.6-milyon ang presyo.

Sa loob ng 49 games sa Lakers, naglista ng average na 8.6 points sa loob ng 24.2 minutes noong nakaraang season.

Hindi naman ito sumama sa team sa NBA restart sa Orlando noong Hulyo dahil sa umano’y medical concerns sa harap ng coronavirus pandemic.

Matatandaang tinalo ng Lakers ang Heat sa NBA Finals sa loob ng anim na laro.