Lumabas sa pag-aaral ng mga health experts ng Amerika na isa umano sa tatlong COVID-19 survivor ang nasuri na may brain o psychiatric disorder sa loob ng anim na buwan.
Base ito sa ginawang pag-aaral ng mahigit 230,000 American patients na nagpositibo sa deadly virus.
Dahil dito, may paniniwala ang mga eksperto na ang pagpositibo sa COVID-19 kahit naka-survive ka na ay maaring magresulta sa mental at neurological problems.
Sa ngayon, hindi pa malinaw sa mga researchers na nagsagawa ng analysis kung paano na-link ang virus sa psychiatric conditions gaya ng anxiety at depression.
Nauna nang sinabi ni Britain Oxford University psychiatrist Max Taquet na ang brain disease at psychiatric disorder ay mas common sa mga survivor ng COVID-19 kaysa iba pang respiratory infections.