-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patuloy ngayon ang ginagawang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga empleyado ng Ramon Avanceña Hall of Justice na nagpositibo sa COVID-19.

Ito ay matapos nagpositibo sa COVID-19 ang isang court personnel at tatlong personnel ng Parole and Probation Office.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Executive Judge Ma. Yolanda Panaguiton-Gavino, sinabi nito na simula ngayong araw hanggang bukas

isasara ang Hall of Justice para sa disinfection.

Lumabas rin sa imbestigasyon na nagsagawa pa ng hearing ang korte kung saan nagtatrabaho ang COVID-19 positive na symptomatic.

Napag-alaman na daan-daang katao ang nagsagasawa ng transaksyon sa Hall of Justice sa Iloilo bawat araw.