-- Advertisements --
DOTR 3

Sumasailalim na ngayon sa test run ang brand new na mga bagong trains ng Philippine National Railways (PNR).

Ang tinatawag na Diesel Hydraulic Locomotive (DHL) ay una nang dumating noong nakaraang linggo.

Ito ay binubuo ng tatlong Diesel Hydraulic Locomotive at 15 passenger coaches.

Ang mga bagong bagon ay bilang bahagi ng refleeting ng PNR management sa train system ng bansa na nagsimula ang programa noon pang taong 2018.

Dahil sa mga brand new trains nakompleto na ang 37 na mga bagon.

Kaya na ring madagdagan pa ang PNR capacity sa mga pasahero ng hanggang 1,250 kada biyahe.

Ang mga bagong trains ay may maximum speed ng hanggang 120 kph.

DOTR 6
PNR photo