Naitala ni Brandom Ingram ang kanyang ikatlong triple double performance matapos tambakan ng kanyang team na New Orleans Pelicans ang Charllotte Hornets sa iskor na 132-112.
Nagtala ang limang players ng Pelicans na may kabuuang 102 points para makuha ang 20 puntos na lamang laban sa Hornets at ipatikim ang limang sunod na pagkatalo nito.
Pinangunahan ni Ingram ang Pelicans na kung saan kumamada ng 28 points, 10 rebounds at 10 assists.
Nagbuhos din ang beteranong si CJ McCollum ng 22 points, 6 rebounds 6 assists habang ang rookie naman na si Jordan Hawkins ay may kabuuang 21 points at 6 assists.
18 points naman ang naitulong ni Trey Murphy III at 13 points, 9 rebounds at 6 assists para banderahan ang Pelicans.
Pinangunahan ni Lonzo Ball ang Hornets na may 29 points para mailapit ang lamang sa ikatlong quarter ng laro.
Pagpasok ng fourth quarter ay tuluyang natambakan ang hornets sa mainit na 53.2 three point percentega at may 44 of 89 field goals para tuluyang ibaon ang Hornets sa Eastern Conference standing.